MANILA, Philippines – Hindi ang kanyang mabigat na jab ang magpapanalo kay American challenger Chris Algieri kontra kay boxing superstar Manny Pacquiao.
Ito ay taliwas sa naunang pahayag ni Freddie Roach, ang chief trainer ni Pacquiao, hinggil sa pamatay na jab ni Algieri.
“My ability to adjust and find a way to win, which is an intangible, I know,” sabi ni Algieri sa panayam ng FightHype.com.
“A lot of people, like you said and Freddie said, think about the jab and whatnot. I don’t think that’s my best asset. I think my best asset is being able to adjust in a fight; adjusting to any situation and finding a way to win.”
Hahamunin ni Algieri si Pacquiao para sa suot nitong WBO welterweight crown sa Nobyembre 22 sa The Venetian sa Macau, China.
Kamakalawa ay inihayag ng WBO ang pagtatanggal kay Algieri ng kanyang light welterweight belt dahil sa paghahamon sa welterweight title ni Pacquiao.
Marami ang nagsasabing kaya ng 5-foot-6 na si Pacquiao na pabagsakin ang 5’10 na si Algieri.
“I’ve fought every style you can think of and I fought tough guys. If you look at the numbers of all the guys I fought, I never had those building guys. I was in fights. I’ve been in fights since my pro debut,” sabi ng 30-anyos na si Algieri.