^

PM Sports

AJ Mandani maglalaro sa Tanduay sa D-League

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nakikita ni guard A.J. Mandani na makakatulong ang PBA D-League pa­ra mahasang muli ang kanyang kaalaman sa pag­lalaro upang maisa­ka­tuparan ang hangaring ma­kabalik sa professional league.

Ang 6-foot-1 na si Man­dani ay maglalaro para sa Tanduay Light Rhum Masters sa PBA D-League Aspirants’ Cup at ang pagiging malakas na liga ang kanyang sinasandalan para mas tumibay ang ipinakikitang laro.

“The PBA D-League is a competitive league and this is  a chance for me to build confidence and develop my game again. I’ll try to keep on im­proving every game,” wika ng Fil-Canadian.

Si Mandani ay dating naglaro sa liga sa Blackwater Sports Elite bago umakyat sa PBA at kinuha bilang 14th pick ng Globalport noong 2012.

Umabot sa 29 games ang kanilang inilaro sa Ba­tang Pier at naghatid ng disenteng 5.1 puntos, 2.1 rebounds at 1.8 assists.

Nalipat siya sa Meralco dahil sa trade pero na­bangko siya sa koponan hang­gang sa binitiwan na.

Hindi lamang pansarili ang balak gawin ni Man­da­ni habang nasa Rhum Mas­ters dahil pagsisikapan din ng 27-anyos manlalaro ang tulungan ang koponan sa playoffs.

“I think we can compete against any team in this league. For as long as we keep on working hard, put our focus in every game and play as a team, we can compete against anybody,” dagdag nito.

Ang paniniwalang ito ni Mandani ay masusukat sa pagharap ng Tanduay la­ban sa MJM M-Builders sa Lunes.

BLACKWATER SPORTS ELITE

D-LEAGUE

D-LEAGUE ASPIRANTS

FIL-CANADIAN

MANDANI

RHUM MAS

SHY

SI MANDANI

TANDUAY LIGHT RHUM MASTERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with