MANILA, Philippines – Pipiliting linawin ng kampo ni Chris Algieri ang ginawang pagbabakante ng World Boxing Organization (WBO) sa light welterweight title ng American.
Idinahilan ng WBO sa kanilang 27th Annual Convention sa Las Vegas, Nevada ang paghahamon ni Algieri para sa WBO welterweight crown ni Manny Pacquiao.
“From what we just found out, Chris won’t be able to keep his title because he’s going to be competing above the junior welterweight limit on November 22 against Manny Pacquiao,” wika ng promoter ni Algieri na si Artie Pelullo ng Banner Promotions.
“This was news to both myself and my partner Joe DeGuardia. I think Joe has plans to deal with this issue concerning Chris and WBO,” dagdag pa nito.
Ikinagulat din ni Joe DeGuardia, ang legal adviser ni Algieri, ang naturang desisyon ng WBO na pinamamahalaan ni Francisco ‘Paco’ Valcarcel.
Sinabi ni DeGuardia na hindi makakaapekto sa hawak na WBO title ni Algieri ang paghahamon nito kay Pacquiao.
“Chris was going into this fight as the WBO junior welterweight champion and Manny as the welterweight champion, and they would be competing for Pacquiao’s 147 pound title with the understanding that this fight wouldn’t be of any consequence to Chris’ 140 pound title,” ani DeGuardia.
Hahamunin ni Algieri si Pacquiao para sa hawak nitong WBO welterweight crown sa catchweight na 144 pounds sa Nobyembre 22 sa The Venetian sa Macau, China.
Nakuha ni Algieri ang WBO light welterweight belt matapos talunin ang dating kampeong si Ruslan Provodnikov via split decision noong Hunyo.