Mane ‘N Tail volleybelles nakatikim ng panalo
MANILA, Philippines – Nag-init si Kristy Jaeckel upang ihatid ang Mane ‘N Tail sa makapigil-hiningang 25-22, 17-25, 22-25, 25-18, 15-6 panalo laban sa Foton sa 2014 Philippine Superliga Grand Prix na hatid ng Asics kahapon sa Cuneta Astrodome.
Ang kinikilala bilang pinakadominanteng import sa liga na si Jaeckel ay nagtala ng league-high na 40 points nang makatikim ang Lady Stallions ng unang panalo matapos ang tatlong laro sa women’s division ng inter-club tournament na ito na inorganisa ng Sports Core ka-tulong ang Air21, My Phone, Via Mare, Mikasa, Mueller Sports Medicine, Healthway Medical, Generika Drugstore, LGR at Jinling Sports bilang technical partners.
Tumapos ang 6-foot-2 na si Jaeckel, dating pambato ng University of Florida sa Division I ng US NCAA, na may 32 kills, 4-blocks at 4-service aces matapos magtala ng 31 points sa kanilang opening game kontra sa Cignal at 37 points kontra sa Petron para sa kanyang average na 36 points sa tatlong games.
“What I achieved today was just a reflection of my team,” ani Jaeckel. “In volleyball, you can’t score too many points if you don’t have the support of your teammates. It was a total team effort. Everybody is getting better, especially our setter and libero. This could be the start of something good.”
Si Kaylee Manns ay may 7-hits sa kanyang 11-points para sa Lady Stallions na nagpalasap ng ikalawang talo sa Foton.
“We were too relaxed in the first three sets,” ani Mane ‘N Tail coach Francis Vicente.
- Latest