MANILA, Philippines – Hindi nakatulong ang pagtawag sa telepono niManny Pacquiao mula sa kanyang training camp sa General Santos City para magbigay inspirasyon sa kanyang Kia Sorento team na lumasap ng 117-88 pagkatalo sa Rain or Shine sa 2014 PBA Philippine Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Dumiretso sa ikalawang sunod na panalo ang Elasto Painters at ipinalasap sa Sorento ang ikalawang sunod na kabiguan matapos manalo sa kanilang debut game laban sa Blackwater Elite, 80-66 noong Oktubre 19.
Bago ang laro sa Elasto Painters ay binilinan ng Sarangani Congressman ang Sorento na ibigay ang lahat para manalo.
Kaagad kinuha ng Rain or Shine ang 25-13 abante sa first period patungo sa pagtatala ng malaking 19-point lead, 47-28 laban sa Kia bago ang halftime buhat sa 3-pointer ni Jeric Teng.
Hindi binitawan ng Elasto Painters ang natu-rang kalamangan hanggang ibaon ang Sorento sa 96-67 sa 8:10 minuto ng fourth quarter sa tatlong magkakahiwalay na tres ni Lee.
“We started the confe-rence slow in our first two games,” sabi ni mentor Yeng Guiao. Ito ang ikalawang sunod na pagkaka-taon na nabigong gabayan ni Pacquiao ang Sorento dahil sa kanyang pagsasanay sa GenSan bilang paghahanda sa kanilang laban ni Chris Algieri sa Nobyembre 22 sa The Venetian sa Macau, China.
Rain or Shine 117 - Lee 22, Belga 16, Tang 15, Cruz Jericho 12, Teng 12, Cruz Jervy 12, Uyloan 10, Quiñahan 6, Almazan 6, Ibañes 4, Chan 2, Norwood 0.
Kia 88 - Cervantes 18, Padilla 17, Revilla 10, Lingganay 10, Thiele 7, Dehesa 4, Alvarez 4, Pascual 4, Raymundo 4, Buensuceso 3, Alonzo 2, Saldua 2, Burtscher 2, Ighalo 1, Bagatsing 0.
Quarterscores: 36-25; 59-46; 81-65; 117-88.