MANILA, Philippines – Ipinakita ng mga koponan ng Café France Ba-kers, Cebuana Lhuillier Gems at Wangs Basketball ang kanilang bangis nang ilampaso ang mga nakaharap para sa magarang panimula sa PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa Ynares Arena sa Pasig City.
Nagpakilala si Fil-Am Maverick Ahanmisi para tulungan ang Bakers sa 86-59nn=n nnn demolisyon sa baguhang MP Hotel Warriors habang nakitaan ng pasensya ang Gems matapos maiwanan ng 14 puntos sa kaagahan ng unang yugto tungo sa 89-70 panalo sa Racal Motors.
Gumamit naman ang Wangs Basketball ng 13-0 panimula para pagningningin ang 96-78 dominanteng panalo sa Titans.
Si Ahanmisi ay hindi sumablay sa tatlong buslo at may dalawang triples sa 27-5 palitan tungo sa 31-9 kalamangan ng Bakers matapos ang unang yugto.
“Maganda ang start. Kung ganito ang ipakikita ng team kapag ang mga elite ang kalaban, maniniwala ako na palaban kami,” wika ni Café France coach Edgar Macaraya na humugot din ng kabuuang 31 puntos kina Alvin Abundo, Rodrigue Ebondo at Jam Cortes.
Nagpasiklab si Bradwyn Guinto para sa Gems sa kanyang 18 puntos at 14 rebounds habang ang mga guards na sina Paul Zamar, Allan Mangahas at Almond Vosotros ay tumapos taglay ang 13, 13 at 11 puntos.
Naiwan ang Gems sa 4-18 pero si Guinto ay bumanat ng 11 puntos sa first half habang nagpakawala ng mga triples sina Mangahas at Zamar para tuluyang ibigay ang kalamangan sa 29-28 iskor.
“Our goal is to improve in our practices and in every game so we can improve on our past performance,” wika ni Gems coach David Zamar.
May lima sa kanyang 13 puntos si Michael Miranda sa 13-0 run ng Wangs bago pumutok ang kamay nina Michael Juico, Mark Acosta, Rocky Acidre at Mark Angelo Montuano para hindi makatikim ng kalamangan ang Titans. (AT)