MANILA, Philippines – Para sa San Beda Red Cubs, rebuilding lang sana ang NCAA juniors basketball season na ito matapos mawala ang karamihan sa kanilang mga starters mula sa kanilang roster noong nakaraang taon.
Ayon kay Cubs coach JB Sison, ang susi ay nagtiwala sila sa kanilang sistema.
“We knew this year will be a rebuilding year for us because we lost a lot of players who were part of our five-peat feat team a season ago,” sabi ni Sison, matapos ihatid ang Taytay-based dribblers sa ikaanim na sunod na titulo at ika -21st overall.
Tinutukoy ni Sison ang pagkawala nina Arvin Tolentino na lumipat na sa Ateneo Blue Eagles sa UAAP, Ranbill Tongco at Jayvee Mocon na umakyat na sa seniors team ng San Beda at Rev Diputado na lumaro ng kanyang rookie season sa UAAP champion National U.
“We also knew that even though we’re a young team, we still can pull it off if we stick to the system. And I’m glad the boys did,” sabi pa ni Sison.
Napagtanto ito ni Sison nang makopo ng San Beda ang gold medal sa Palarong Pambansa matapos talunin ang mga malakas na team ng National Capital Region na binubuo ng mahuhusay na high school players, sa kanilang pagkatawan ng Calabarzon.
“We never expected to really win in the Palaro because we really have young players,” ani Sison. “But when we surprised everyone and ourselves by winning the Palaro gold, we knew that we’ll have a chance in the NCAA.”
Nagdeliber si Andrei Caracut, ilang beses nang naging miyembro ng Batang Gilas at ang tanging natirang starter mula sa roster noong nakaraang season, sa paghataw ng 30 points kabilang ang 9 sa overtime sa 78-65 title-clinching win kontra sa Mapua Red Robins noong Sabado para tanghaling Finals MVP.