^

PM Sports

NBA preseason games: Wolves nilapa ang Bulls

Pang-masa

ST. LOUIS -- Hindi inisip ni Zach LaVine ang pagbabantay kay Derrick Rose.

Matapos magbida sa pagbangon ng Minnesota Tim­berwolves mula sa isang 13-point deficit, hindi nai­tago ng 19-anyos na rookie ang paghanga kay Rose.

“That dude’s good,” sabi ni LaVine makaraan ang 113-112 panalo ng Minnesota laban sa Chicago Bulls ni Rose. “It’s crazy, but in the game you can’t really be worried about it. That dude’s good.”

Naglaro si LaVine sa huling 6:14 minuto at umiskor ng 6 points sa nalalabing limang minuto.

Pinamunuan ni Rose ang Bulls (4-4) sa kanyang 27 points at 5 assists sa loob ng 32 minuto.

May kabuuang 57 points si Rose sa nakaraang da­lawang preseason games para sa Chicago.

Nagposte naman si Ricky Rubio ng 19 points, 5 assists at 2 steals para pangunahan ang Minnesota (5-2).

Sa Houston, tinapos ng Rockets ang kanilang preseason sa pamamagitan ng isang solidong depensa laban sa San Antonio Spurs.

Tumipa si James Harden ng 25 points at umarangkada ang Houston bago ang halftime para talunin ang San Antonio, 96-87.

Nagtala si Harden ng malamyang 2-for-9 fieldgoal shooting sa first half  para sa kanyang 5 points.

Kumamada si Harden ng 20 sa third quarter mula sa kan­yang 7-for-10 shooting bago iupo sa final canto.

Sa iba pang laro, tinalo ng Dallas ang Orlando, 117-92; pinatumba ng Toronto ang New York, 83-80; gi­niba ng Miami ang Memphis, 104-98; ginitla ng Phoenix ang Utah, 105-100; pinadapa ng Sacramento ang LA Lakers, 93-92; pinahiya ng Golden State ang Den­ver, 119-112; at iginupo ng Portland ang LA Clippers, 99-89.

CHICAGO BULLS

DERRICK ROSE

GOLDEN STATE

JAMES HARDEN

MINNESOTA TIM

NEW YORK

RICKY RUBIO

SA HOUSTON

SAN ANTONIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with