LOS ANGELES -- Umasa si Steve Nash na mabibigyan ng isa pang pagkakataon para maipakita ang kanyang playmaking skills matapos ang ilang injuries at dalawang nakakadismayang taon sa Los Angeles Lakers.
Ngunit maging sa pagbubukas ng kanyang ika-19 season ay hindi makakalaro ni Nash.
Ipapahinga ni Nash ang buong season bunga ng back injury, ayon sa pahayag ng Lakers noong Huwebes na naglagay sa career ng two-time NBA MVP point guard sa alanganin.
Inihayag ng Lakers at ng 40-anyos na si Nash ang magkatulad nilang desis-yon isang linggo bago ang pagbubukas ng regular season.
Napanood siya sa 15 games sa nakaraang season sa kabila ng pagkakaroon ng nerve root irritation ngunit umasa ng comeback season matapos ang ilang buwan na rehabilitasyon.
Naglaro ang Canadian star sa 3-preseason games at nakaramdam ng pa-nanakit ng kanyang likod sa ikalawang laro. Lalo pang sumakit ang kanyang likod nang magbuhat ng mga bagahe ilang araw na ang nakararaan.
“Being on the court this season has been my top priority, and it is disappointing to not be able to do that right now,’’ sabi ni Nash. ‘’I work very hard to stay healthy, and unfortunately my recent setback makes performing at full capacity difficult. I will continue to support my team during this period of rest, and will focus on my long-term health.’’
Sa Phoenix, nagkaroon si Suns roo-kie forward T.J. Warren ng bali sa kanyang buto sa kaliwang hinlalaki.
Sinabi ng Suns na kaagad nilang ipapagamot ang injury ni Warren ngunit walang inihayag kung kailan ito makakapaglaro.