Basketball ang pampakondisyon ni Manny
MANILA, Philippines - Malaki ang naitutulong kay Manny Pacquiao ng paglalaro niya ng basketball sa kanyang pagboboksing.
Sinabi ng 35-anyos na Filipino world eight-division champion na ang basketball ang dahilan kung bakit malakas ang kanyang resistensya at palaging kondisyon.
Ayon kay ‘Pacman’, hindi maaapektuhan ng pagiging playing coach niya sa PBA ang mga gagawin niyang pagsasanay para sa mga susunod na laban.
“It does not affect my training because basketball is on Sunday and we do not train on Sunday,” wika ni Pacquiao. “Basketball is also good for footwork and ba-lancing. It helps a lot and that is why I am always in shape when I don’t have a fight because I am always playing basketball.”
“Basketball provides me with great cross-training,” dagdag pa ni Pacquiao, ang koponang MP Hotel ay kasali sa darating na PBA D-League.
Naglista ang 5-foot-6 na si Pacquiao ng 2 turnovers at 1 foul sa loob ng anim na minuto at 46 segundo sa first period sa 80-66 panalo ng kanyang Kia Sorento kontra sa Blackwater sa pagbubukas ng 40th season ng PBA noong Oct 19.
Sinabi ni Pacquiao na muli niyang hahawakan ang Sorento sa Disyembre matapos ang kanyang laban kay American challenger Chris Algieri sa Nobyembre 22 sa The Venetian sa Macau, China.
“Right now I am focused on my training. After the fight I will come back to the team and be focused on coaching the team,” sabi ni Pacquiao sa Kia team.
Minsan na ring pinagsabay ni dating world super middleweight at heavyweight champion Roy Jones, Jr. ang pagboboksing at paglalaro sa United States Basketball League (USBL).
- Latest