Popovich ikinaasar ang komento ni Sarver
SAN ANTONIO – Niresbakan ni San Antonio Spurs coach Gregg Popovich si Phoenix Suns owner Robert Sarver dahil sa mga komento nito.
Nagsalita si Sarver sa public address microphone noong Huwebes sa Phoenix at humingi ng paumanhin sa mga fans dahil naglaro ang Spurs nang wala si Popovich at ilang bigating players.
“This is not the game you paid your hard-earned money to watch,” sabi ni Sarver sa mga fans. “I apologize for it. And I want you to send me your tickets if you came tonight with a return envelope and I’ve got a gift for you on behalf of the Suns for showing up tonight. Thank you.”
Hinarap ng Spurs ang Suns nang wala ang mga may injury na sina Kawhi Leonard (eye infection), Tiago Splitter (calf) at Patty Mills (rotator cuff), habang nanatili naman sina Tim Duncan at Manu Ginobili sa San Antonio para magpahinga.
Ipinaubaya ni Popovich kay first-year assistant Ettore Messina ang head coaching duties.
Tinalo ng Phoenix ang San Antonio, 121-90, para sa unang preseason game ng Spurs sa United States matapos ang two-week trip sa Europe.
“The only thing that surprises me is that he didn’t say it in a chicken suit. I’ll just leave it at that,” sagot ni Popovich bago ang preseason home opener nila kontra sa Miami Heat.
- Latest