^

PM Sports

Tabal, Zabala kampeon sa MILO qualifying

Pang-masa

BUTUAN City, Philippines – Di­no­mina ni 2013 MILO Marathon Queen Mary Joy Tabal ang women’s 21-kilometer race sa 38th MILO Marathon quali­fying race sa Butuan City.

Nagsumite si Tabal, nag­mula sa pagtatala ng ba­gong record sa 2014 Seoul Race, ng bilis na 01:20:46, isang segundo la­mang ang agwat sa bago niyang best personal record na 1:19:37.

Tinalo ng 25-anyos na Cebuana sina Michell Ann Aclo (01:42:30) at Jenefer Paloma (01:44:05) para ang­kinin ang premyong P10,000.

Idedepensa ni Tabal ang kanyang korona sa MILO National Finals sa Disyembre 7 sa Mall of Asia grounds sa Pasay City.

Nagtala naman si elite run­ner Gerald Zabala ng bagong personal best time na 01:13:49 para talu­nin sina Bobby Tadlas (01:14:00) at Ramil Neri (01:15:09).

Kagaya ni Tabal, na­ka­mit din ni Zabala ang premyong P10,000 at ti­ket para sa 2014 MILO National Finals.

Ang hihiranging MI­LO Marathon King at Queen  ang ipapadala sa 2015 Tokyo Marathon.

Sinabi ng 26-anyos na tu­bong Cagayan de Oro na si Zabala na ito ang unang pagkakataon na na­kamit niya ang titulo sa isang qualifying leg.

Ang mga darating na qua­lifying races ay sa Ca­ga­yan De Oro (Nobyembre 9), General Santos (Nob­yembre 16) at sa Da­vao (Nobyembre 23).

BOBBY TADLAS

BUTUAN CITY

DE ORO

GENERAL SANTOS

GERALD ZABALA

JENEFER PALOMA

NATIONAL FINALS

SHY

TABAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with