^

PM Sports

1-0 bentahe pag-aagawan ng Red Lions at Chiefs sa NCAA Finals

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines – Ang mahalagang 1-0 kalamangan ang pag-a­a­gawan ngayon ng San Be­da Red Lions at Arellano Chiefs sa pagbubukas ng 90th NCAA men’s basketball Finals sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nakatakda ang Game One sa alas-4 ng hapon.

Tumapos sa unang da­lawang puwesto ang Red Lions at ang Chiefs at hindi binitiwan ang kanilang matataas na seedings nang pabagsakin ang Perpetual Help Altas (81-75) at host  Jose Rizal University Heavy Bombers (71-65), ayon sa pagkakasunod, sa Fi­nal Four.

Ito na ang ika-siyam na pagkakataon na nasa NCAA Finals ang San Be­da at balak nila ang ika­limang sunod na titulo at ikawalo sa huling siyam na taon ng liga.

Sa kabilang banda, ang Arellano ay nasa kanilang unang pagkakata­on na pu­­masok sa Finals mula nang makasali sa li­ga no­ong 2009.

Dahil dito ay paborito ang tropa ni coach Boyet Fer­nandez pero ayaw niyang tanggapin ang bagay na ito.

“I don’t buy that,” wi­ka ni Fernandez na balak ang ikalawang sunod na ti­tulo matapos hawakan ang San Beda noong na­ka­raang taon.

“A four-time champion is not a assurance that we have an advantage in this Finals. Arellano is a very strong team and a very good coach and it is an even match,” wika pa ng coach.

Para makaisa, dapat mag­trabaho ang mga su­bok na sa labanan na si­na import Ola Adeogun, Ba­­ser Amer, Arthur dela Cruz at Anthony Seme­rad.

Ang balanseng pag-ata­ke ang kailangang ma­­panatili ng mga bataan ni coach Jerry Codiñera para magkaroon ng tsansang mai­bigay ang titulo sa Arel­lano.

Ito ang maaaring ma­ging kauna-unahang title ni Codiñera bilang isang collegiate coach.

ANTHONY SEME

ARELLANO

ARELLANO CHIEFS

BOYET FER

GAME ONE

RED LIONS

SAN BE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with