MANILA, Philippines - Pinagsama-sama ang pinakamahuhusay na volleyball players sa kababaihan at kalalakihan na ang ha-ngarin ay makapagbigay uli ng karangalan sa Pilipinas sa SEA Games sa Singapore sa 2015.
Ang PLDT HOME Fibr ang siyang tatayong pa-ngunahing sponsor ng dalawang pambansang koponan na bibigyan ng malawakang pagsasanay kasama sa exposures sa ibang bansa.
“PLDT HOME Fibr is very proud to be part of this momentous day for Philippine volleyball. This is in line with the company’s thrust to help promote sports excellence,” wika ni Maxine Parangan na kumatawan kay PLDT HOME Marketing head at VP Gary Dujali sa press presentation ng pambansang koponan kahapon sa New World Hotel sa Makati City.
Ang mga tinapik ni coach Ramil De Jesus para sa women’s team ay sina Alyssa Valdez, Dindin Santiago, Jaja Santiago, Rachel Anne Daquis, Jovelyn Gonzaga, Tina Salak, Mary Jean Blasé, Nerrisa Bautista, Rhea Dimaculangan, Kim Fajardo, Ara Galang, Dennise La-zaro, Maika Ortiz, Lizlee Ann Pantonei, Aiza Pontillas, Mika Reyes, Jennylyn Reyes at Honey Royse Tubino.
Sina Alnakran Abadilla, Mark Alfafara, John Vic De Guzman, Pitrus Paolo De Ocampo, Marck Espejo, Kheeno Franco, Reyson Fuentes, Rodolfo Labrador Jr., Jessie Lopez, Jeffrey Malabanan, Vincent Raphael Mangulabnan, Howard Mojica, Sandy Domenick Montero, Raffy Mosuiela, Henry James Pecana, Jayson Ramos, Peter Torres at JP Torres ang magkakasama sa kalalakihan na hahawakan ni coach Arthur “Odjie” Mamon. (AT)