Sa pagkaka-injury ni Durant: Mahihirapan ang Thunder
MANILA, Philippines - Wala pang katiyakan ang pagbabalik ni Kevin Durant mula matapos magka-fracture sa kanang paa.
Sumailalim ang NBA Most Valuable Player sa operasyon noong Huwebes para ayusin ang “Jones fracture” at muling susuriin matapos ang anim na linggo.
Habang walang garantiya na ang nasabing opersyon kung hindi na iti makakaapekto kay Durant, magbibigay naman ito ng makakatulong naman ito sa kanyang kondisyon.
Dapat makakuha ang Thunder ng kapalit ng league-leading scorer at playmaker na si Durant na inaasahang mawawala ng 20-games dahil hindi maaasahan ang kanyang presensiya sa depensa quick-footed defensive presence pati na ang pagbibigay ng pagkakataon sa kanyang mga kakampi na makaiskor.
Sinasabing mahihirapan ang Oklahoma City na makapasok sa playoffs dahil sa hindi paglalaro ni Durant sa komperensyang siguradong malalakas ang mga kalaban kaya ang ilang kabiguan ay ma-ngangahulugan ng pagkakahulog sa team standings.
Sa pag-upo ni Durant, sino ngayon ang sasandalan ng Thunder?
“One of the ways to improve your team and make up for loss offensively is to play even better defensively and reduce the net rating between the offense and the defense,” sabi ni Thunder general manager Sam Presti. “[...] in Kevin’s absence, continuing to build a defensive identity is going to be really important in making sure that we are as balanced as ever offensively.”
Samantala, hinahanapan ng Dallas Mavericks ng trade sina point guard Gal Mekel at center Bernard James.
Mas gusto ng Mave-ricks na mapanatiling bukas ang isa o dalawa sa kanilang 15 roster spots para sa darating na season.
Wala pang tiyak na trade para kina Mekel at James.
Ang Dallas ay kasalukuyang may 20 players sa kanilang preseason roster.
Sa iba pang balita, inaasahang hindi makakalaro si Brooklyn center Brook Lopez ng 10 araw hanggang dalawang linggo dahil sa kanyang sprained right mid-foot na kanyang nakuha sa exhibition game ng Nets kontra sa Sacramento Kings sa China.
Sinabi ng Nets na walang nakitang fracture o bone injuries sa paa ni Lopez sa isinagawang X-rays at CT scan sa New York.
- Latest