^

PM Sports

Lumaro na uli si LeBron, nalo ang Cavaliers

Pang-masa

CINCINNATI  -- Nagbalik si LeBron James sa line-up ng Cleveland at umiskor ng 10 sa kanyang 26 points sa third quarter upang tulungan ang Cavaliers na talunin ang Indiana Pacers, 98-93 nitong Miyerkules ng gabi na sumira sa pagbabalik ni  David West sa Xavier.

Umiskor si West ng 15 points sa unang laro niya sa Cintas Center sapul nang iwan niya ang Xavier na may mga ‘Welcome home David’ signs sa paligid ng court.

Kumamada si Chris Copeland ng 16 points para pangunahan ang Indiana (1-3) habang si George Hill ay may 11.

Nagdagdag si A.J. Price ng 14 points para sa Cavaliers (3-0), na umabante sa 76-63 matapos ang tatlong quarters.

Matapos magpahinga si James sa panalo ng Cavs kontra sa Milwaukee noong Martes ng gabi ay naglaro na ito gayundin si center Tristen Thompson na galing sa shoulder injury at umiskor ng 6- points. Nakibahagi sa pregame drill si Kyrie Irving na nagrerekober pa lang sa na-injured na right ankle, pero hindi ito pinaglaro.

Sa Portland, Maine, nagtala si Louis Williams ng 3-pointer sa huling 0.6 segundo ng laro upang ibigay sa Toronto ang 92-89 panalo kontra sa Boston.

Pinangunahan ni Jordan Hamilton ang Raptors (4-1) sa kanyang 16 points, nagdagdag si Williams ng 15 at sina  Terrence Ross at Patrick Patterson ay may tig-12 points.

Sa Beijing, umiskor si Mirza Teletovic ng 22 points para pangunahan ang Nets sa 129-117 overtime preseason win kontra sa Sacramento Kings para ma-sweep ng Brooklyn ang kanilang dalawang laro sa China.

Lamang ang Nets sa 112-109 patungo sa hu-ling 41 segundo ng labanan nang pakawalan ni Omri Caspi ng Kings ang 3-pointer. Sa sumunod na play, ang pasa ni, Mason Plumlee kay Willie Reed ay dumulas sa kanyang kamay na nagresulta  sa overtime.

Sa Washington, umiskor si Otto Porter ng 19 points at nagtala si Kevin Seraphin ng 18 points at 12 rebounds para tulu-ngan ang kulang sa taong Washington Wizards na igupo ang  Maccabi Haifa ng Israel, 101-95.

Sa iba pang pre-season game, nanalo ang Detroit sa Charlotte, 104-84

Samantala,  hindi nakapag-practice si Los Angeles Lakers guard Steve Nash sa ikatlong sunod na pagkakataon matapos magka-injury sa likod na nakuha niya sa pagbubuhat ng bag  habang pinapirma naman ng Dallas Mavericks si Japanese guard Yuki Togashi matapos lumaro sa kanilang summer league team.

 

CHRIS COPELAND

CINTAS CENTER

DALLAS MAVERICKS

DAVID WEST

GEORGE HILL

INDIANA PACERS

JORDAN HAMILTON

KEVIN SERAPHIN

POINTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with