CARSON, California – Hahayaan na lamang ni Nonito Donaire Jr. na magsalita ang kanyang mga kamao sa loob ng boxing ring sa gabi ng kanilang laban ni Nicholas Walters ng Jamaica.
Ito ay matapos sabihin ni Walters na pababagsakin niya si Donaire sa loob ng six rounds sa kanilang upa-kan sa Linggo (Manila time) sa StubHub Center para sa WBA featherweight crown.
“What I can say is that all my words coming out from this point on in terms of fighting will be inside the ring. I’m not going to say he’s good or I’m good. Nothing of that sort,” ani Donaire. “Whatever is going to be said and done will be said and done inside the ring. There are no predictions.”
Ang WBA ay may dalawang bersyon ng featherweight title. Bitbit ni Donaire (33-2) ang super title at tangan ni Walters (24-0) ang world title.
Sa susunod na mga araw ay isang tao lamang ang hahawak ng dalawang titulo.
Sinabi ni Walters, isang natural featherweight, na patutumbahin niya si Donaire sa loob ng six rounds.
Mayroon siyang lakas at karapatan na sabihin ito dahil sa kanyang 20 knockouts.
Alam naman ni Donaire, isang four-division world champion na naghari sa flyweight, bantamweight, super-bantamweight at featherweight, kung paano tata-lunin si Walters. Sinabi ni Donaire na binabantayan niya ang kanyang timbang para hindi sumobra sa weight limit na 126 pounds.
Nakamit ni Donaire ang kanyang WBA featherweight belt mula sa isang technical decision win kay Simpiwe Vetyeka, habang tinalo ni Walters si Vic Darchinyan para sa isa pang WBA title. (AC)