UST nangunguna sa UAAP overall
MANILA, Philippines – Balanseng atake ng mga kalalakihan at kababaihang atleta ang sinasandalan ng UST upang pansamantalang pa-ngunahan ang karera sa Season77 UAAP overall championship.
Winalis ang magkabilang dibisyon sa judo at nadomina ang men’s taekwondo at women’s beach volleyball, ang paaralang nakabase sa España ay nakalikom na ng 148 puntos para makaangat ng 11 puntos sa back-to-back defending overall champion La Salle.
Ang mga Tigers ay humakot ng 70 puntos at lamang lang sila ng dalawa sa Lady Tigresses na may 68 puntos.
Kampeon sa table tennis sa dalawang dibisyon at pumangalawa sa women’s at poomsae sa taekwondo, men’s badminton at women’s beach volley, may 137 puntos ngayon ang Archers para iwanan ng siyam na puntos ang UP na may 128.
Ang mga natapos ng events sa season ay ang beach volleyball, swimming, table tennis, badminton, taekwondo judo at women’s basketball.
Nasa ikaapat na puwesto ang Ateneo sa 104 habang ang National University na kampeon sa men’s beach volley, men’s badminton at women’s basketball ang nasa ikalimang puwesto sa 84 puntos.
Ang FEU ang nasa ikaanim na puwesto habang ang host UE at Adamson ay magkasalo sa 57 puntos para sa ikapito at walong puwesto.
Nangunguna ang UST sa paramihan ng overall titles sa 54 na nagmula sa 39 sa seniors at 15 sa juniors.
Pero sa huling dalawang seasons ay hindi nakaporma ang kanilang mga atleta dahil gumaling ang La Salle sa recruitment para makapagdomina sa Season 76 at 77.
Una rin ang UST sa juniors sa 83pts. (56 boys at 27 girls) habang ang UE ang pumapangalawa sa 73 puntos. (AT)
- Latest