Sparmates ni Manny bumilib sa kanya

MANILA, Philippines - Mismong ang kanyang mga sparmates ay kumbinsidong mapapabagsak ni Manny Pacquiao si American challenger Chris Algieri sa Nobyembre 22.

Ito ang nagkakaisang opinyon nina 5-foot-8 Mike Jones (26-2-0, 19 KOs), 5’10 Stan “The Man” Martyniouk (13-2-0, 2 KOs) at 5’11 Viktor Postol (26-0-0, 11 KOs).

Sinabi ni Martyniouk na hindi kakayanin ng 5’10 na si Algieri ang mga suntok ng 5’6 na si Pacquiao.

“Some of the punches he throws are very fast and you don’t see them and that’s what he is going to hurt Algieri with,” sabi ni Martyniouk sa pa-nayam ng Rappler mula sa kanilang training camp sa General Santos City.

Nakatakdang itaya ni Pacquiao (56-5-3, 38) ang kanyang suot na World Boxing Organization (WBO) welterweight crown laban kay Algieri (20-0-0, 8 KOs) sa Nobyembre 22 sa The Venetian sa Macau, China.

Nakilala si Algieri matapos talunin si Ruslan Provodnikov at agawin ang WBO light welterweight title ng Serbian fighter noong Hunyo.

Ayon kay Martyniouk, nasa kanyang pamatay na porma na ang 35-anyos na Filipino world eight-division.

“Let me just say he is already in fight shape. I don’t think it will be a tough fight for Manny. But it will be a very tough fight for Algieri,” wika ni Martyniouk, tinalo ang dating sparmate ni Pacquiao na si David Rodela noong 2013.

Maliban kina Martyniouk, Jones at Postol, makakasabayan din ni Pacquiao sa kanyang sparring session si Jose Ramirez (11-0-0, 8 KOs), ang 2012 U.S. Olympian na nagdaos ng kanyang pro debut sa undercard ng pang-apat na paghaharap nina Pacquiao at Juan Manuel Marquez noong Disyembre ng 2012.

Samantala, hindi naman iniisip ni Pacquiao ang magkaibang pahayag nina Floyd Mayweather, Jr. at father/trainer niyang si Floyd, Sr.

Nauna nang sinabi ni Floyd, Sr. na tiyak nang lalabanan ni Mayweather si Pacquiao sa susunod na taon bago ito magretiro, ngunit kamakalawa ay pinabulaanan ito ng American world five-division titlist.

 

Show comments