^

PM Sports

Loreto laban kay Amol sa tune-up sa Davao

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagtungo si Filipino boxer Rey “Ham­mer” Lo­reto sa Mo­na­co noong Peb­rero kasama ang ilang tao na nag-isip na hindi ni­ya maagaw ang IBO ju­nior flyweight title mula kay Nkosinathi Joyi ng South Africa.

“His role there was to be fed to the lion,” sabi ni Sonshine Sports Ma­nagement CEO at dating North Cotabato governor Man­ny Piñol.

“But he knocked out Joyi in the third round and became the IBO champion,” dagdag pa ni Piñol sa 23-anyos na tubong Da­vao at nasa pangangalaga ni Brico Santig.

Ang panalo ni Loreto ang gumulat sa kampo ng South African na kaagad humingi ng rematch sa Dis­yembre 12 sa South Africa.

Ngayon ay determina­do si Loreto, nasa ilalim ng kampo ng SSM, na pa­natilihing suot ang kanyang korona.

Lalabanan ni Loreto sa isang tune-up fight si Heri Amol ng Indonesia sa Da­vao City Recreation Center.

“But it doesn’t mean that the Indonesian is a push­over. Anything can hap­pen in boxing. As long as your opponent has two hands, anything can happen,” wika ni Piñol.

Nangako si Loreto na tatalunin si Amol.

Ang nasabing fight card ay isasabay sa pag­lu­­lunsad ng Sonshine Sports TV na gusto ring i-promote ang iba pang sports sa pamamagitan ng kanilang network na pag­­mamay-ari ni Pastor Apol­lo Quibuloy.

BRICO SANTIG

CITY RECREATION CENTER

HERI AMOL

LORETO

NKOSINATHI JOYI

NORTH COTABATO

SHY

SOUTH AFRICA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with