Omolon kinuha ng San Miguel Beermen; Semerad twins ng San Beda inaabangan din

MANILA, Philippines - Ang mga players lamang na makakatulong sa ka­nilang koponan ang kinukuha ni Leo Austria, ang ba­gong head coach ng San Miguel Beer, para sa darating na 40th season ng PBA.

Pinapirma ng San Miguel si free agent Bitoy Omolon ngunit naghahanap pa ng dalawang players para ma­kumpleto ang kanilang koponan.

“Omolon has been signed up as our 13th man. We’re looking for two more, and we’re after guys who can really help and not just fill up our lineup,” sabi ni Austria.

 Ilan sa mga inaabangan ni Austria ay ang kambal na sina Anthony at David Semerad ng San Beda Red Lions, Prince Caperal at John Pinto ng Arellano Chiefs sa NCAA.

“We’re waiting for the players still playing in the NCAA. The Semerad twins, Prince Caperal and John Pin­to – we’re interested on these guys,” wika ni Austria.

Nagpakita si veteran free agent Don Allado sa dalawang practice sessions ng San Miguel, habang umaasa rin si rookie Dexter Maiquez na makakapasok sa SMB roster.

“We’ve yet to make a decision on them,” ani Austria kina Allado at Maiquez.

Aasahan ni Austria para sa darating na PBA season si­na MVP winners June Mar Fajardo at Arwind Santos ka­sama sina Sol Mercado, Chris Lutz, Marcio Lassiter, Ronald Tubid, Rico Maierhofer at Doug Kramer.

 Bagama’t malakas ang kanilang line-up ay wala pang nakakamit na korona ang San Miguel sa nakaraang tatlong taon sa ilalim nina coaches Olsen Racela, Rajko To­roman at Gie Abanilla at ang tambalan nina Biboy Ravanes at Todd Purves.

 Sinabi ni Austria na sinisimulan nila ang paggamit ng bagong sistema na may kooperasyon ng bawat isa.

Sa ilalim ni Austria, isang champion coach sa Asean Basketball League, maglalaro ang Beermen sa isang methodical, half-court set para mapakinabangan ang husay nina Fajardo, Santos, Lassiter, Lutz at Tubid.

Sa nakaraang season ay tumapos ang Beermen sa ikaapat sa PBA Philippine Cup, pang-lima sa Com­missio­ner’s Cup at sa Governors Cup.

Show comments