San Beda No.1 JRU ang No. 3

MANILA, Philippines - Pumaimbulog uli ang San Beda Red Lions nang kanilang lapain ang Arellano Chiefs, 97-69 sa 90th NCAA men’s basketball double playoff kagabi na idinaos sa The Arena sa San Juan City.

Lahat ng player na hinugot ni Lions coach Boyet Fernandez ay nag-contribute para maisan-tabi ang mahinang pani-mula at wakasan din ang tatlong  dikit na kabiguan.

“Mahalaga ito sa amin dahil gusto namin na mataas ang morale ng mga players papasok sa Final Four,” wika ni Fernandez.

Makakaharap ng four-time defending champion San Beda ang Perpetual Help University Altas.

Nalagay sa ikaapat na puwesto ang Perpetual patungo sa Final Four matapos malusutan ng host Jose Rizal University Heavy Bombers, 82-79, sa unang laro na umabot sa overtime.

Si Bernabe Teodoro ang nagpatabla sa regulation sa 73-all sa isang lay-up at nagpakawala pa siya ng isang triple para ibigay sa Heavy Bombers ang kalamangan sa 78-75.

Tumapos si Teodoro taglay ang 16 puntos habang si Philip Paniamogan ay may 15 para sa tropa ni coach Vergel Meneses na makakalaro ang Chiefs sa semifinals.

Natalo man, ang bataan ni coach Jerry Codiñera ay magtataglay ng twice-to-beat advantage sa Final Four para magkaroon ng matibay na tsansa na umabot sa championship round sa unang pagkaka-taon matapos ang  limang taong pagsali sa liga.

Si Baser Amer ay may 21 puntos habang ang iba pang inaasahan na sina Ola Adeogun, Kyle Pascual at Arthur dela Cruz ay may 15,14 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Ang mga ito ang nagtulong sa 19-0 bomba upang ang apat na puntos na kalamangan ng Chiefs ay mabura at inilista ang 47-32 bentahe para sa Red Lions.

Pinakamalaking kalamangan sa laro ay umabot sa 32 puntos, 97-65 dahil sumama na sa pagpuntos ang mga pamalit na players na sina Ryusei Koga, Dan Sara, Jaypee Mendoza at David Semerad.

Sina Levi Hernandez at Keith Agovida ay may 11 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod para sa Chiefs pero hindi na natapos ni Agovida ang laro dahil na-thrown-out ito  bunga ng dalawang unsportsmanlike fouls.

Ang Final 4 ay sisimulan sa Oct. 15 sa Mall of Asia Arena. (AT)

 

JRU 82 — Teodoro 16, Paniamogan 15, Abdulwahab 11, Benavides 9, Balagtas 8, Mabulac 8, Sanchez 4, Asuncion 4, Astilla 2, Grospe 2, Ma-nuel 2, Lasquety 1.

UPHSD 79 — Alano 19, Arboleda 17, Baloria 16, Dagangon 10, Gallardo 8, Thompson 5, Oliveria 4, Dizon 0, Ylagan 0, Tamayo 0, Bantayan 0, Lucente 0, Jolangcob 0.

Quarterscores: 16-12, 34-32, 50-55, 73-73 (reg), 82-79 (OT).

San Beda 97 -- Amer 21, Adeogun 15, Pascual 14, Sara 10, Dela Cruz 10, Mendoza 9, Koga 7, A. Semerad 6, D. Semerad 5, Tongco 0.

Arellano 69 -- Hernandez 11, Agovida 10, Jalalon 8, Holts 8, Cadavis 6, Nicholls 5, Caperal 4, Enriquez 4, Ortega 3, Gumaru 2, Salcedo 2, Ciriacruz 2, Bangga 2, Pinto 2, Palma 0.

Quarterscores: 18-22, 43-32, 67-56, 97-69.

Show comments