DENVER -- Lumaki ang sahod ng high-leaper na si Kenneth Faried matapos iangat ang kanyang laro noong nakaraang season.
Nakipagkasundo si Faried sa five-year $60 million extension sa Nuggets, ayon sa isang source ngunit hindi pa ito pormal na inihayag ng team.
Ang Denver ay may hanggang Oct. 31 para makipagnegosasyon ng bagong kontrata kay Faried dahil kung hindi ay magiging restricted free agent ito sa susunod na summer.
Nag-average si Faried ng career-high na 13.7 points noong nakaraang season at humatak din siya ng 8.6 rebounds per game.
Dahil malaki ang kanyang naging improvement, maraming mata ang tututok sa kanya.
Kaya naman sinabi ni Nuggets coach Brian Shaw na para lalo siyang gumaling, kailangan niyang baguhin ng kaunti ang kanyang estilo sa laro.
“He will be a point of emphasis for other teams to game plan against, whereas before maybe he wasn’t,’’ sabi ni Shaw nitong Martes nang magkita-kita ang team para sa isang film session matapos matalo sa Los Angeles Lakers sa San Diego. “It’s what every player goes through that reaches that level. Star players, once they have an effective season, the next season, teams start double-teaming them.”