^

PM Sports

Orlando pinakitaan ang Miami Heat

Pang-masa

MIAMI -- Naramdaman na ng Miami Heat ang pagkawala sa kanilang team ng dati nilang star player na si LeBron James.

Humugot si rookie Devyn Marble ng walo sa kanyang 13 points sa overtime at tinalo ng Orlando Magic ang Miami, 108-101, sa isang  preseason game.

Umiskor si Nik Vuce-vic ng 16 markers para sa Orlando (1-0), habang may 15 si Tobias Harris kasunod ang 12 ni Evan Fournier.

Tumipa sina Luol Deng at Chris Bosh ng tig-18 points para sa Miami (0-2) na bibiyahe sa Brazil para labanan si LeBron James at ang Cleveland Cavaliers sa Sabado.

Kumolekta si James Ennis ng 14 points at 10 rebounds, habang may 11 markers si Dwyane Wade at 10 si Mario Chalmers para sa Heat.

Sa New York, kumamada si Brook Lopez ng 20 points sa kanyang pagbabalik mula sa injury kasabay si Deron Williams na nanggaling naman sa operasyon para ihatid ang Brooklyn Nets sa 111-94 panalo kontra sa Maccabi Tel Aviv.

Nagtala si Williams ng 17 points at 7 assists para sa unang panalo ng Brooklyn sa preseason.

Magtutungo ang Nets sa China para sa ilang exhibition games kontra sa Sacramento Kings sa Shanghai at Beijing.

Nakita lamang si Lopez sa 17 laro sa nakaraang season at naging leading scorer ng Nets bago mabalian ng paa noong Disyembre.

Sa iba pang pre-season games, nagsipagpanalo ang Indiana sa Minnesota, 103-90; Detroit sa Chicago 111-109 OT; Houston sa Dallas, 111-108, Utah sa Portland, 92-73; Sacramento sa Toronto, 113-106; at Golden State sa Clippers, 112-94.

BROOK LOPEZ

BROOKLYN NETS

CHRIS BOSH

CLEVELAND CAVALIERS

DERON WILLIAMS

DEVYN MARBLE

DWYANE WADE

EVAN FOURNIER

GOLDEN STATE

JAMES ENNIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with