MANILA, Philippines – Kasado na ang lahat para sa MetroTurf Super Sunday na katatampukan ng anim na malalaking karera na magtataya ng anim na milyong pisosa Linggo.
Tatlong karera rito ay para pasiglahin ang selebras-yon ng pagkakatatag ng Klub Don Juan de Manila.
Tampok na karera ay ang P1.5 milyong Don Juan Derby na inilagay sa 2,000-metro distansya.
Ang mga kasali rito ay ang Barcelona, Invicible Girl, Husso Porte, Marinx, Mr. Bond, River Mist, Guel Mi, Bentley, Security Model at Tap Dancer.
Halagang P900,000.00 ang maiuuwi ng papalaring horse owner mula sa P1.5 milyong paglalabanan.
Ang KDJM Juvenile Colts at Fillies na gagawin sa 1,400-metro ay lalarga rin at sinahugan ito ng tig-P500,000.00 gantimpala.
Kasali sa Juvenile Colts ang Rafa, Cat’s Express, All Too Well, Spicy Time, Breaking Bad, Fear No-thing at Pagsanjan Falls habang ang Epic, Shouts For Joy, Azarenka, Tubbataha Reefs, Clandestine at Cats Thunder ang mga entrada sa Juvenile Fillies.
Nakatakda ring paglabanan ang PCSO Anniversary Race at 2014 Philracom Sampaguita Stakes bukod sa Don Antonio Floirendo Sr. Memorial Golden Girls Stakes.
Ang Hagdang Bato at Pugad Lawin ang ma-ngunguna sa mga kasali sa P1.5 milyon PCSO race na kabibilanganan din ng El Libertador, Furniture King, Sky Dragon at That Is Mine.
Ang Malaya, Cat’s Diamond, Morning Time, Queen Quaker at Spring Collection ang magsusukatan sa Sampaguita Stakes na nilagyan ng Philippine Ra-cing Commission ng P1.5 milyong premyo.
Paglalabanan sa Golden Girls ang P500,000.00 kabuuang premyo at ang mga nagpatala ay ang Kornati Island, Excelsia, Sliotar, Divine, Star Belle, Passive, Silver Sword at Strong Champion.
Ito ang unang pagkakataon sa mahabang panahon na may magkakasabay na malalaking karera ang magaganap sa isang araw ng pista at kumbinsido ang pamunuan ng MetroTurf sa mainit na suporta ng ba-yang karerista. (AT)