San Mig paborito sa PBA Season 40
MANILA, Philippines – Hindi man aminin ni board representative Rene Pardo, ang four-peat champion na San Mig Coffee ang magiging paborito para sa darating na 2014 PBA Philippine Cup.
Sinabi ni Pardo kahapon sa paglulunsad ng ika-40 season ng PBA sa Edsa Shangrila Hotel sa Mandaluyong City na kahit sinong koponan ay maaaring magkaroon ng suwerteng araw na magreresulta sa kabiguan ng Mixers.
Pupuntiryahin ng San Mig Coffee ang kanilang pang-limang Philippine Cup at hangad na madup-lika ang rekord na anim na sunod na titulo ng maa-lamat na Crispa.
“After winning the grand slam, we can’t lower our goal,” sabi ni Pardo. “We’re looking forward to the Philippine Cup where we gun (championship) No. 5. After that, we’ll chase No. 6 and tie Crispa’s record.”
Naisuko ng Mixers ang lahat ng kanilang anim na tune-up matches.
Magsisimula ang torneo sa Oktubre 19 kung saan lalabanan ng Barangay Ginebra ang Talk ‘N Text sa ganap na alas-5:15 ng hapon matapos ang pagparada ni playing coach Manny Pacquiao sa kanyang Kia Sorento kontra sa Blackwater sa alas-3 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.
Inaasahang pipigil sa hangarin ng nagdedepensang San Mig Coffee ay ang Ginebra, Talk ‘N Text, Rain or Shine at ang San Miguel Beer.
Kabuuang 24 rookies at ilang veteran players na magsusuot ng mga bagong uniporme ang matutunghayan sa 2014 Philippine Cup.
Taliwas sa sinabi ni Pacquiao na inaasahan niyang papasok ang Kia Sorento sa semifinals, iba naman ang pahayag ni Kia governor Ginia Domingo.
“We’re not setting our sights on the quarterfinals, but we’d like to think we’ll get our wins,” wika ni Domingo.
Sa 77-88 kabiguan ng Kia Sorento laban sa Blackwater ay nagposte si Pacquiao ng 1 point, 1 rebound at 2 turnovers sa loob ng 10 minuto.
“Pacquiao is just fulfilling his dream, and his presence certainly adds flavor to the league. Matalino si Manny. He won’t put himself in a position to embarrass himself,” sabi ni PBA Commissioner Chito Salud.
- Latest