MANILA, Philippines – Pag-uusapan ang naging kampanya ng Team Philippines sa katatapos lamang na 17th Asian Games sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayon sa Shakey’s Malate.
Tatalakayin ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman Richie Garcia, ang Chef De Mission ng Philippine delegation sa nakaraang Asiad, ang naging performance ng Filipino athletes sa quadrennial meet kung saan nakakuha ang Pinas ng isang gold mula kay BMX rider Daniel Caluag.
Kasama ng PSC chief na dadalo sa session na maririnig ng live sa DZSR Sports Radio 918 na handog ng Shakey’s, Accel at Philippine Amusement and Gaming Corp. si organizer Tisha Abundo at ang mga kalahok na koponan sa fourth at final leg ng 2014 Petron Ladies Beach Volleyball Tournament.