UST, UP kampeon sa Smart taekwondo inter-school
MANILA, Philippines – Kapwa pinangunahan ng University of Santo Tomas at ng University of the Philippines ang men’s at women’s senior competition sa SMART national inter-school taek-wondo championships sa Ninoy Aquino Stadium.
Kumolekta ng apat na gintong medalya ang female fighters ng UST, habang pumitas ng tatlo ang male jins ng UP sa kani-kanilang mga dibisyon.
Sina bantamweight Princess Zenia Delis, featherweight Anne Jeshlin Gas, light welterweight Jovy Lou Meguillo at middle heavyweight Reign Charm Ragutana ang mga nagbigay ng ginto para sa UST.
Nanggaling ang mga ginto ng UP kina flyweight Daniel Paringit, featherweight Karlos Gaerlan at lightweight Rommel Gargoles.
Ang iba pang gold medalists ay sina finweight Irene Bermejo ng Ateneo at flyweight Stephanie Osio ng UP sa women’s senior division.
Sina finweight Rhayzon Jarielle Catris bantamweight Kurt Bonifacio ng Ateneo, lightweight Isaiah Bert Lorbes ng UST at middleweight Michael Emman Lapor ang mga nanalo sa men’s division.
Ang mga nagwagi naman sa PLDT Home Bro poomsae competition ay sina Alyssa Llenes ng University of San Carlos, Cebu (grade school); Clement Tan ng Ateneo de Cebu (Cadet male); Aidaine Laxa ng USC Cebu (Cadet female); McAvyngyr Alob ng DLSU (junior male); Rinna Babanto ng DLSU (junior female); Ronnel Avenido ng DLSU (senior male B); Yuei Murillo ng UST (senior female B); Vidal Marvin Gabriel ng UST (senior male A); at Jocel Lyn Ninobla ng UST (senior female A).
- Latest