Pekovic pinagpahinga ng Minnesota
MANKATO, Minn. – Sa ikatlong araw ng training camp, naging intensibo ang ensayo ng Minnesota Timberwolves habang nanonood si Nikola Pekovic mula sa baseline seats na naka-jogging pants at T-shirt lang.
Natural na ang unang iisipin ng marami ay may injury na naman si Pekovic ngunit kabaliktaran ito.
Pinagpahinga ni coach Flip Saunders si Pekovic nitong Huwebes na bahagi ng program na naglalayong bawasan ang pagkalaspag ng premyadong sentro upang hindi ito maging injury prone para sa ikalawang taon ng kanyang five-year, $60 million contract.
Hindi nakalaro si Pekovic ng kabuuang 48 games sa nakaraang dalawang season dahil nahihirapan na siyang makipagsabayan sa pisikal na laro.
Ngayong season, plano ng Timberwolves na huwag itong masyadong paglaruin sa training camp at sa mga games para mas marami siyang maging production.
“I know the medical staff are doing everything to try to keep me healthy, but like I said many times, my way of playing and how many times I get bumped and I get hit, and of course, I hit people,’’ ani Pekovic. “Of course, it’s normal to get hurt. I just hope something doesn’t happen like the small injuries I had last year.’’
- Latest