Looking forward
SEOUL, Korea – Malaking positibong bagay ang iniwan ni Samahang Basketbol ng Pilipinas president Manny V. Pangilinan sa pagtatapos ng kampanya ng Gilas Pilipinas sa 17th Asian Games basketball competition.
Ito ay ang pagpapakita ng katatagan ng paniniwala sa Philippine basketball sa likod ng balentong na inabot ng Gilas Pilipinas sa Incheon Asiad.
Pinaramdam niya na hindi niya tatalikuran ang national team at hindi siya matitinag sa pangangarap na muling makita ang Team Phl na kasali sa Olympics basketball competition.
“In the meantime, it is time to bring the Team home so that they can restore normalcy to their lives with their loved ones. Safe journey,” ani Ginoong MVP sa kanyang Twitter account.
Kahapon, may ilang Gilas players ang nakatakdang lumipad papauwi ng Pilipinas. Excited silang umuwi at makasama ang kanilang pamilya matapos isakripisyo ang kanilang off-season sa PBA.
Sa loob ng ilang araw, kakalimutan nilang sila ay “band of brothers” sa national team dahil muli silang magkakalaban at magkakumpitensya sa PBA.
Salamat sa pagpapasaya sa bayan sa inyong Jones Cup championship, runner-up finish sa 2013 FIBA Asia Championship at sa matatag na pakikipaglaban sa ilan sa mga higanteng koponan sa FIBA World Cup.
At ano man ang inyong nakamit sa Incheon, salamat sa inyong pagpupursigi at pagtitiyaga.
“We report our results in Korea ‘heads bowed in sadness but not in shame.’ That said we take pride in all that Gilas has reached thus far,” tweet pa ni Ginoong MVP.
* * *
Mula sa bansang ito kung saan kasalukuyang nasa training tour ang kanyang Globalport team, sinabi ni coach Pido Jarencio ang paniniwalang medyo angat ng konti ang FEU kontra sa NU sa darating na UAAP Finals.
“Halos pareho ang lineup, pero mas fluid maglaro ang FEU,” ani Jarencio, one-time UAAP champion coach sa kanyang UST team.
Sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya, napanood ni Jarencio, ng buong Globalport management at buong coaching staff ang huling parte ng FEU-La Salle knockout setto.
Malungkot sina team governor Erick Arejola, team manager BJ Manalo at assistant coach Mac Cuan na pawang dating La Salle Archers.
Wala rito si assistant coach Eric Gonzales na nagsisilbi ring assistant coach sa FEU bench.
“Kaya FEU ang mananalo dahil ‘yung assistant coach namin nasa kanila,” biro ni Jarencio.
- Latest