Higit pa sana sa bronze ang naibigay ni Morrison

INCHEON, South Korea – Hindi nagustuhan ni taekwondo coach Roberto Cruz na tinira si Samuel Thomas Harper Morrison na nagkait sa mas magandang medalya para sa Phi-lippines nitong Martes.

Nakuntento si Morrison sa bronze medal matapos magka-injury sa semifinals ng taekwondo competition.

Isang kuwestiyuna-bleng suntok ang ibinigay ni Masoud Hajizavareh ng Iran sa leeg ni Morrison na agad tumapos ng kanilang semifinal duel sa kalagitnaan ng second round.

Ang suntok na ito ay nagpatumba kay Morrison na namilipit sa sakit kaya kinailangan siyang dalhin sa Philippine medical team para suriin ang kanyang nananakit na leeg, batok at buong kaliwang kamay.

“He has to rest. He complained about numbing pain on the left part of his upper body and he should be monitored,” report ng isang miyembro ng medical team sa Phi-lippine Team headquarters sa 17th Asian Games Athletes Village.

Sinabi ni Cruz na wala na siyang pagkakataong magprotesta dahil nagamit na niya ang blue card sa nauna niyang pagrereklamo.

“Wala na akong blue card e. Gusto kong i-reklamo, pero hindi na magagawa dahil wala na akong blue card,” paliwanag ni Cruz. “Sa final event na iyon ibinabalik.”

Ayon kay Cruz, hindi tumawag si referee Wang Wen Hsien ng Chinese-Taipei ng gang-jeom  para mabawasan ng puntos ang Iranian, na idineklarang 5-1 semifinal winner laban kay Morrison habang nakahiga pa ito sa sahig.

Ang tanging konsolas-yon ni Morrison ay makakapag-uwi ito ng bronze medal.

Nakapagsubi rin ang isa pang taekwondo jin na si Rona Ilao Levita ng isa pang bronze medal mula sa women -49kg nang makarating siya ng semifinals pero natalo kay  Li Zhaoyi ng China, 5-1.

Ang inaasahang maka-gold na si Pauline Lopez, gold medal winner sa -55kg  ng Asian Youth Games noong nakaraang taon, ay bigo sa women’s -57kg match kontra kay Wang Yun ng China.

Show comments