^

PM Sports

Caluag pinakamahusay na BMX rider sa Asya

Pang-masa

INCHEON, South Korea – Bumawi si Daniel Caluag  sa kanyang naunang pagkabigong bigyan ng karangalan ang Pinas sa London Olympics nang patunayan nitong siya ang pinakamahusay sa BMX cycling sa buong Asia para ibigay sa Pinas ang unang gintong medalya sa Asian Games kahapon.

Walong siklista mula sa limang bansa ang naglaban sa kompetisyon na ginawa sa Ganghwa Asiad BMX Track at ang 27-anyos na si Caluag ay nanguna  mula pa lamang sa seeding run (35.486 segundo).

Tatlong karera ang ginawa para ma-laman ang mga mananalo ng medalya at ipinakita ni Caluag ang magandang kon-disyon kahit walang sinalihan na UCI sanctioned races ngayong taon sa nailistang oras na 35.277, 35.366 at 35.431.

Pumangalawa si Masahiro Sampei ng Japan na gumawa ng 35.444, 35.486 at 36.104 marka para sa silver habang si Yan Zhu ng China ang nakakuha ng bronze medal.

Ang nakababatang kapatid ni Daniel na si Christopher John ay bumagal sa second at third run para masayang ang pangatlong puwesto sa unang karera tungo sa kanyang fourth place finish sa pangkalahatan.

Ang kauna-unahang gintong medalya ng bansa ay nangyari sa araw na isineselebra ni Chief of Mission at PSC chairman Ricardo Garcia ang kanyang kaarawan.

Halagang P1 milyon ang pabuyang naghihintay kay Caluag sa karangalang naibigay niya sa kampanya ng Pilipinas base sa Incentive Act. (BRM)

ASIAN GAMES

CALUAG

CHIEF OF MISSION

CHRISTOPHER JOHN

DANIEL CALUAG

GANGHWA ASIAD

INCENTIVE ACT

LONDON OLYMPICS

MASAHIRO SAMPEI

RICARDO GARCIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with