Handa nang lumaban si Pacquiao - Fortune
MANILA, Philippines - Sa nakikita ni strength and conditioning coach Justin Fortune ay maaari nang labanan ni Manny Pacquiao si American challenger Chris Algieri anumang araw.
Sinabi kahapon ni Fortune na nasa magandang kondisyon na ang Filipino world eight-division champion pitong linggo bago ang kanilang banggaan ni Algieri sa Nobyembre 22 sa The Venetian sa Macau, China.
“As far as his condition, he’s in shape,” sabi ni Fortune kay Pacquiao, kasalukuyan nang nag-eensayo sa General Santos City, sa panayam ng ABS-CBN News. “He always maintains good condition because of his basketball, and he’s always doing something.”
Muling kinuha nina Pacquiao at chief trainer Freddie Roach ang serbisyo ni Fortune matapos sibakin si Alex Ariza na sinasabing lumipat sa kampo ni Floyd Mayweather, Jr.
Si Fortune, isang dating Australian professional boxer, ang strength and conditiong coach ni Pacquiao simula noong 2003 hanggang 2007 bago sila nagkaroon ng isyu ni Roach.
Nagbalik si Fortune sa Team Pacquiao mula sa kahilingan ng Sarangani Congressman para sa kanyang paghahanda sa kanilang rematch ni Timothy Bradley, Jr. noong Abril na kanyang naipanalo. (RC)
- Latest