^

PM Sports

Pacquiao ‘di naiinis kungdi naawa pa kay Mayweather

Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi pagkainis ang nararamdaman ni Manny Pacquiao kay Floyd Mayweather, Jr. kundi pagkaawa.

Ito ang reaksyon ng Filipino world eight-division champion kaugnay sa pinakahuling pagbira sa kanya ng 37-anyos na si Mayweather gamit ang Twitter at Instagram account.

“Hindi naman ako nagagalit sa kanya,” sabi ni Pacquiao kay Mayweather sa panayam ng GMA News mula sa General Santos City. “Naaawa pa ako sa kanya because he acts like an uneducated person, so pangit.”

“Pero naaawa ako, I’m praying for him,” dagdag pa ng 35-anyos na Sarangani Congressman kay Mayweather na ipinoste sa kanyang Twitter at Instagram account ang tatlong litrato ni Pacquiao na bumagsak matapos ang right hand ni Juan Manuel Marquez sa kanilang ikaapat na banggaan noong Disyembre ng 2012.

Nauna nang sinabi ni Pacquiao (56-5-2, 38 KOs) na walang plano si Mayweather (47-0-0, 26 KOs) na labanan siya dahil pinoprotektahan nito ang malinis na ring record.

Ang isinagot ni Mayweather kay Pacquiao ang tatlong larawan ni ‘Pacman’ nang mapatumba ni Marquez.

Kamakailan ay idineklara ng World Boxing Council (WBC) ang pagsuporta para sa pagtatakda ng mega fight nina Pacquiao at Mayweather sa susunod na taon.

Ngunit dahil sa asaran nina Pacquiao at Mayweather ay posibleng hindi na ito mangyari hanggang magretiro ang dalawang itinuturing na best pound-for-pound boxers.

Nakatakdang itaya ni Pacquiao ang kanyang suot na World Boxing Organization (WBO) welterweight crown kontra kay American challenger Chris Algieri (20-0-0, 8 KOs) sa Nobyembre 22 sa The Venetian sa Macau, China.

Kahapon ay muling ipinagpatuloy ni Pacquiao ang kanyang pagpapakondisyon para sa kanilang title fight ng 30-anyos na si Algieri.

Halos walong kilometro ang tinakbo ni Pacquiao sa Acharon Sports Complex bago nagpapawis sa boxing gym pagdating ng tanghali. (RC)

vuukle comment

ACHARON SPORTS COMPLEX

CHRIS ALGIERI

FLOYD MAYWEATHER

GENERAL SANTOS CITY

INSTAGRAM

JUAN MANUEL MARQUEZ

MAYWEATHER

PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with