^

PM Sports

Low Profile nanguna sa Philracom Chairman’s Cup

Pang-masa

MANILA, Philippines – Kinuha ng kabayong Low Profile ang atensyon ng bayang karerista nang dominahin ang inakalang mahirap na karera tungo sa pagsungkit ng 2014 Philracom Chairman’s Cup noong Linggo sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Ang kabayong pag-aari ni Ruben Dimacuha at ipinagabay kay Mark Alvarez ay nanguna mula sa pagsisimula ng karera at naisantabi ang pagtutulu-ngan ng coupled entries na Kanlaon at King Bull para makuha ang P1.2 milyon premyo mula sa kabuuang P2 milyong pinaglabanan.

Inilagay sa 1,600-metro distansya, naorasan ang Low Profile ng 1:43 gamit ang kuwartos na 25, 23’, 25’ at 29.

Kinargahan na  ni jockey Mark Alvarez ang sakay na kabayo sa back stretch para layuan nang halos tatlong dipa ang King Bull habang ang stable mate na Kanlaon sa pagdadala  ni Val Dilema, ang nasa ikatlong puwesto.

Sa rekta ay lalo pang nagtrabaho ang pumanga-lawa sa third leg ng Triple Crown na Low Profile tungo sa solong pagtawid sa meta.

Ang Kanlaon ang pumangalawa bago tumawid ang King Bull.

Halagang P450,000.00 at P250,000.00 ang naipasok ng Kanlaon at King Bull sa kampo ni Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos.

Tumawid sa pang-apat na puwesto ang Messi para isukbit ang P100,000.00 premyo.

Dikit ang bentahan ng mga kabayo kaya’t ang dibidendo sa napaborang Low Profile na kasama ng coupled entry na Think Twice, ay P9.00 habang P9.50 ang ibinigay sa 2-4 forecast. (AT)

ANG KANLAON

KANLAON

KING BULL

LOW PROFILE

MANDALUYONG CITY MAYOR BENHUR ABALOS

MARK ALVAREZ

PHILRACOM CHAIRMAN

RUBEN DIMACUHA

SAN LAZARO LEISURE PARK

THINK TWICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with