MANILA, Philippines – Maningning na binuksan ng equestrian riders ang kanilang kampanya nang tatlo sa apat na riders ang umentra sa finals ng individual event ng equestrians.
Lumapag sina Martin Diego Lorenzo Jr. at Marie Antonette Leviste sa 15th place sa individual jumping event habang tumapos ng ika-20 puwesto si Joker Arroyo na nagbigay sa Pinas ng karagdagang maaasahan sa mailap na gintong medalya.
Tanging si Mateo Rafael Lorenzo ang nasibak matapos malagay sa 31st place.
Posible pang madagdagan ang medalya ng equestrian nang umentra rin sa finals ang grupo nina Leviste, Arroyo at magkapatid na Lorenzo nang tumapos na ika-5 sa jumping team event. (BRM)