SACRAMENTO, Calif. – Pinapirma ng Sacramento Kings si guard Ramon Sessions, ayon sa pahayag ni Kings general manager Pete D’Alessandro nitong Lunes.
Makakasama ni Sessions sina Darren Collison at rookie Nik Stauskas sa bagong backcourt rotation ng Sacramento na kinabibilangan din nina second-year players Ben McLemore at Ray McCallum.
Kinuha ng Milwaukee si Sessions sa second round ng 2007 draft mula sa Nevada. Nag-average siya ng 11.7 points, 4.7 assists at 25.8 minutes sa kanyang NBA career.