INCHEON, South Korea -- Mailap pa rin ang gintong medalya sa Team Philippines nang mauwi sa silver medal ang inaasa-hang ginto mula kay wushu athlete Jean Claude Saclag sa pagpapatuloy ng 17th Asian Games dito.
Hindi nakayanan ni Saclag ang pambato ng China na si Hongxing Kong nang malasap ang 2-0 kabiguan sa men’s sanda-60kg para makuntento lang sa silver medal sa labanang ginanap sa Ganghwa Dolmens gymnasium kahapon.
Ito ang ikalawang silver medal ng Pilipinas at ikatlong medalya sa kabuuan na tanging produksiyon ng Phl Team na mula sa mga wushu athletes lamang matapos ang apat na araw na aksiyon.
Ang isa pang silver ay galing kay Daniel Parantac sa taolo, ang taijiquan-taijijian All Around event habang ang bronze ay inihatid ng isa pang sanda artists na si Francisco Solis mula sa men’s -56kg.
Hindi naman umabot si Divine Wally sa medal round sa women’s 52kg. matapos mabigo sa quarterfinals.
Binuksan naman ng mga Pinoy pugs ang kampanya sa boxing competition sa pamamagitan ng panalo nina Mario Fernandez sa bantamweight division at Charly Suarez sa men’s lightweight.
Nanalo si Fernandez kay Doncha Thathi ng Thailand, 29-28, 29-28, 30-27 habang sinibak ni Charly Suarez si Elnur Abdurimov ng Uzbekis-tan, 29-28, 29-28, 28-29 iskor para pareho silang umentra sa last 16.
Nagkaroon naman ng pag-asa ang Pinas sa tennis matapos manalo si Patrick John Tierro kay Ho Tin Marco Leung sa straight sets, 6-2, 6-1 sa first round ng men’s singles.
Sunod na makakaharap ng Pinoy netter ang pambato ng host country na si Hyeun Chung.
Hindi naman umubra si Denise Dy sa kalabang third seed na si Misa Eguchi ng Japan, 6-3, 6-0 sa women’s second round match.
Sa kabila naman ng paglangoy ng bagong Phi-lippine record na 2:02.84, nabigo pa rin si Jasmine Alkhaldi na umusad sa finals ng women’s 200m freestyle sa swimming event matapos lumapag sa ika-9th overall.
Binura ni Alkhaldi ang sariling record na 2:03.13 na kanyang nairehistro noong Hulyo ng nakaraang taon.
Sibak na rin si Jessie Khing Lacuna nang tumapos na ika-13th sa tiyem-pong 55.18 segundo sa men’s 100m breaststroke.
Bigo rin ang Pinoy rowers na magka-medalya nang tumapos ang tamba-lang Edgar Ilas at Nestor Cordova sa 6th place sa double sculls sa ikinampay na 7:36.03 oras, habang bumagsak si Benjamin Tolentino Jr., sa 7th place sa lightweight men’s single sculls sa oras na 7:35.98.
Patuloy naman ang pamamayagpag ng po-werhouse China na mayroon nang kabuuang 54 gold medal as of 8p.m. kagabi bukod pa sa 30-silver at 26-bronze at malayong sumusunod ang host country na South Korea sa kanilang hinakot na 26-23-23 gold-silver-bronze medals.
Nasa ikatlong puwesto ang Japan sa 19-27-27 produksiyon kasunod ang, Kazakhstan (5-6-13) at Mongolia (4-3-6).
Ang dalawang silver at isang bronze ng Pinas ay sapat lamang para sa ika-19th place.
Samantala, magsisimula na rin ang laban ng Blu Girls sa pamamagitan ng double-header sa pagbubukas ng softball competition sa Songdo LNG Stadium.
Unang haharapin ng Blu Girls ang South Korea sa alas-11:30 ng umaga (10:30 a.m. sa Manila) at World at Asian champion Japan sa alas-3:30 ng hapon (2:30 p.m. sa Manila).