^

PM Sports

Jay-Wash balik sa Talk ‘N Text

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – Ang pag-apruba na lamang ni PBA Commissioner Chito Salud ang kulang para sa pormal na pagbabalik ng Globalport kay veteran forward Jay Wa-shington sa Talk ‘N Text sa isang trade.

Sa pagbibigay ng Batang Pier sa 6-foot-7 na si Washington ay makukuha nila ang sentrong si Noy Baclao kasama ang first round pick sa 2017 PBA Rookie Draft ng Tropang Texters.

Nagposte si Washington ng mga averages na 15.5 points, 7.5 rebounds at 1.8 assists para sa Globalport sa nakaraang PBA season.

Ang pagdadala ng Batang Pier kay Washington, isang three-time Mythical First team member, sa Tropang Texters ay magiging isang reunion.

Ang unang tatlong seasons ni Wa-shington ay kanyang ibinuhos sa Talk ‘N Text bago nai-trade sa San Miguel Beer mula sa Jayson Castro deal.

Sa kanyang pagbabalik sa Tropang Texters ay muling makakasama ni Washington sina Jimmy Alapag at Harvey Carey.

Ang Talk ‘N Text ay hahawakan ni Gilas Pilipinas coaching staff member Jong Uichico, ipinalit kay Norman Black na inilipat naman sa Meralco ni sportsman-businessman Manny V. Pangilinan.

Ang 6’5 namang si Baclao ang inaasahang magbibigay ng depensa sa Batang Pier ni coach Pido Jarencio.

Nagtala si Baclao, ang 2010 top overall rookie pick mula sa Ateneo Blue Eagles, ng mga averages na 2.5 points at 3.6 rebounds para sa Tropang Texters sa nakaraang PBA season.

ANG TALK

ATENEO BLUE EAGLES

BACLAO

BATANG PIER

COMMISSIONER CHITO SALUD

GILAS PILIPINAS

GLOBALPORT

HARVEY CAREY

N TEXT

TROPANG TEXTERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with