MANILA, Philippines - Ang lahat ng laro sa Season 90 NCAA ay ipinagpaliban kahapon dahil sa walang tigil na pagbuhos ng malakas na ulan bunga ng habagat na hatid ng bagyong ‘Mario’.
“All NCAAA events (basketball and table tennis) are cancelled today, September 19, 2014 based on the announcement of no classes in all levels in Metro Manila due to heavy rains and flooding,” wika ni NCAA Management Committee chairman Paul Supan ng host Jose Rizal University.
Ito ang ikalawang pagkakataon sa linggong ito na nagkansela ng laro ang NCAA dahil sa bagyo.
Noong Lunes ay isinantabi ang nakahanay na tagisan ng Mapua Cardinas-St. Benilde Blazers at San Sebastian Stags-Perpetual Help Altas bunga ng paparating na bagyong ‘Luis’.
Nakatakda sanang magpang-abot kahapon ang Letran Knights at ang Blazers at ang JRU Heavy Bombers laban sa Stags sa The Arena sa San Juan City.
Balak sana ng Blazers at Heavy Bombers ang manatili sa pinagsasaluhang ikatlo at apat na puwesto na magpapalakas sa kanila sa pagtatangka ng upuan sa Final Four.
Pag-aaralan ng liga kung kalian gagawin ang apat na ipinagpaliban na mga tagisan. (ATan)