^

PM Sports

Mga laro sa NCAA kinansela dahil sa hagupit ni ‘Mario’

Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang lahat ng laro sa Season 90 NCAA ay ipi­nagpaliban kahapon dahil sa walang tigil na pagbu­hos ng malakas na ulan bunga ng habagat na hatid ng bagyong ‘Mario’.

“All NCAAA events (bas­ketball and table tennis) are cancelled today, Sep­tember 19, 2014 based on the announcement of no classes in all levels in Metro Manila due to hea­vy rains and flooding,” wi­ka ni NCAA Management Committee chairman Paul Supan ng host Jo­se Rizal University.

Ito ang ikalawang pagkakataon sa linggong ito na nagkansela ng laro ang NCAA dahil sa bagyo.

Noong Lunes ay isi­nan­­tabi ang nakahanay na ta­gisan ng Mapua Cardinas-St. Benilde  Blazers at San Sebastian Stags-Perpetual Help Altas bunga ng paparating na bagyong ‘Luis’.

Nakatakda sanang mag­­pang-abot kahapon ang Letran Knights at ang Bla­zers at ang JRU Heavy Bombers laban sa Stags sa The Arena sa San Juan Ci­ty.

Balak sana ng Bla­zers at Heavy Bombers ang ma­natili sa pinagsasaluhang ikatlo at apat na puwesto na magpapalakas sa ka­nila sa pagtatangka ng upuan sa Final Four.

Pag-aaralan ng liga kung kalian gagawin ang apat na ipinagpaliban na mga ta­gisan. (ATan)

BLA

FINAL FOUR

HEAVY BOMBERS

LETRAN KNIGHTS

MANAGEMENT COMMITTEE

MAPUA CARDINAS-ST. BENILDE

METRO MANILA

NOONG LUNES

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with