UST, UP kampeon sa UAAP taekwondo

MANILA, Philippines - Nagtala ang University of Santo Tomas ng isang perfect season  sa pagkopo ng men’s title habang winakasan ng University of the Philippines ang matagal na panahong paghihintay ng women’s title na umabot ng 12-taon sa pagtatapos ng UAAP Season 77 taekwondo tournament nitong Huwebes sa The Arena sa San Juan.

Naungusan ng Growling Tigers ang Fighting Maroons, 4-3 para makumpleto ng six-fight sweep tungo sa kanilang ika-12 title overall.

Sa pangunguna ni MVP Charizza Camille Alombro, tinalo ng UP ang De La Salle, 5-2, para sa kanilang ikala-wang titulo makaraang tapusin ang season na may  5-1 slate.

Tinalo naman ng Red Warriors ang Green Archers, 4-3, upang pumangalawa sa men’s divition sa naitalang 5-1 record habang ang NU Bulldogs na nasa ikalawang taon pa lang ng kanilang partisipasyon ay third place sa 3-4 karta.

 

Show comments