^

PM Sports

Lee mananatili sa Painters

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Handa na si Paul Lee na muling maglaro para sa Rain or Shine.

Nagtungo si Lee sa en­­sayo ng Elasto Painters kahapon matapos makausap si head coach Yeng Guiao.

Ipinaliwanag ni Guiao ang lahat ng dapat malaman ni Lee matapos uma­no itong humiling ng trade sa pamamagitan ng kanyang agent na si Lawrence Chongson.

Hinihintay na lamang ni Lee ang pakikipag-usap ni Chongson kina Rain or Shine team owners Terry Que at Raymund Yu para mapirmahan ang inalok sa kanyang P15.2 million maximum contract.

Inaasahan ng 25-anyos na dating Red Warrior ng University of the East na mapipirmahan niya ang kontrata bago siya umalis kasama ang Gilas Pilipinas para sumabak sa 2014 Asian Games sa Incheon, Korea.

Ang No. 2 overall pick noong 2011 draft na si Lee ay nagtala ng mga averages na 12.9 points, 3.1 rebounds at 2.7 assists sa nakaraang PBA season kung saan niya natulu­ngan ang Elasto Painters sa pagiging runner-up sa Philippine Cup at Governors’ Cup.

ANG NO

ASIAN GAMES

ELASTO PAINTERS

GILAS PILIPINAS

LAWRENCE CHONGSON

PAUL LEE

PHILIPPINE CUP

RAYMUND YU

RED WARRIOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with