Winner pa rin ang Pinoy sa 2014 FIBA World Cup: Most Valuable Fan ang mga Pinoy

MANILA, Philippines – Bigo man ang Gilas Pilipinas na makaabante sa knockout stage ng 2014 FIBA World Cup, naiparamdam ng mga Pinoy hindi lamang ng buong koponan ng Gilas kundi pati na rin ng mga fans sa mundo ang ma-tinding damdamin sa laro.

Kaya naman bilang paghanga sa pagsuporta ng mga Pinoy sa Gilas Pilipinas ay iginawad ang  Basketball World Cup Most Valuable Fan (MVF) sa country category na inihayag sa halftime ng US-Serbia finals game.

Bilang tribute sa Pilipinas, isang video ng Gilas Pilipinas at ng mga fans sa kanilang pinakamadamdaming sandali sa World Cup ang ipinakita sa halftime break.

Ayon sa website na fiba.com, ang konsepto ng MVF ay direktang ins-pirasyon mula sa Most Valuable Player award, ang pinakamataas na karangalan na ibinigay sa best player sa isang basketball competition.

Nakamit  naman ng 23-anyos na Barcelona native na si Ismael Terron Panadero ang individual category ng MVF campaign.

Naisama naman ang slam dunk ni Gabe Norwood laban kay NBA veteran Luis Scola ng Argentina sa Top Ten plays ng nasabing quadrennial tournament na muling pinagharian ng United States sa ikalawang sunod na pagkakataon.

Ang ‘in-your-face-’ slam ng 6-foot-5 na si Norwood ng Rain or Shine laban sa 6’9 na si Scola ang pumuwesto sa No. 3 sa top plays ng katatapos na 2014 FIBA World Cup.

“You know, it was a great pass by Jayson (Castro), we got out in transition which we liked to do, and I just jumped up and finished it,” sabi ni Norwood.

Sa nasabing 81-85 kabiguan ng Gilas Pilipinas sa Argentina ay nagsalpak din si Norwood ng slam dunk kontra kay Marcos Mata gamit ang kaliwang kamay.

Ang slam ni Norwood kay Scola ang nangi-babaw sa dunks nina Rudy Fernandez ng Spain at James Harden ng Team USA na pumuwesto sa No. 4 at No. 5, ayon sa pagkakasunod.

Ang No. 1 play ay ang slam ni Nikola Kalinic ng Serbia at ang No. 2 ay ang fastbreak play ni Kenneth Faried ng Team USA.

Naitampok si Norwood sa Spanish daily sports newspaper na Marca na ang litrato ay sinamahan ng larawan ni US President Barack Obama.

Ang tawag kay Norwood sa PBA ay ‘Mr. President’ dahil sa kanyang pagkakahawig sa US Chief Executive.

Show comments