SMB lusot sa RoS

MANILA, Philippines - Pinawisan muna ang San Miguel Beer bago talunin ang kulang sa taong Rain or Shine sa kanilang exhibition game sa Pampanga noong Biyernes.

Lumaro ang Rain or Shine na wala ang kontrobersiyal ngayong Gilas Pilipinas player na si Paul Lee at mga kapwa niya National team member na sina Gabe Norwood at Jeff Chan.

Hindi rin lumaro sina Ryan Araña, Jeron Teng at Warren Ybañes ngunit nagawa ng Painters na bigyan ng matinding hamon ang San Miguel.

Hanggang kahapon ay wala pa ring kontrata si Lee sa Rain or Shine pero naka-line-up uli siya  na lumaro sa Gilas para sa nalalapit na Asian Games.

San Miguel Beer 78 - Lutz 23, Santos 13, Mercado 11, Lassiter 8, Maierhofer 6, Tubid 6, Kramer 4, Ross 3, Hubalde 2, Chua 2, Duruelo 0, Marata 0, Pascual 0.

Rain or Shine 77 - Tiu 15, Cruz Jervy 11, Uyloan 10, Rodriguez 8, Allado 8, Cruz Jericho 7, Quiñahan 6, Tang 4, Belga 4, Alas 2, Tesoro 2, Gamboa 0, Cole 0, Espinosa 0.

Quarterscores: 12-14, 32-37, 56-51, 78-77.

 

Show comments