Sa FIBA World Cup Finals Serbia vs USA
MADRID – Sa wakas ay nakakuha ng pagkaka-taon ang Serbia na labanan ang USA kung saan nakataya ang world title.
Umiskor si Milos Teodosic ng 24-points at nakarating ang Serbia sa championship game ng Basketball World Cup nang kanilang sibakin ang France, 90-85 nitong Biyernes ng gabi.
Makakasagupa ng Serbia ang mga wala pang talong defending champion na USA nitong Linggo.
Ang tanging paraan para matalo ang mga Amerikano ay kung hindi sila sisipot sa laban sa 13,700-seat Palacio de los Deportes de la Comunidad.
May bagong masusulat sa kasaysayan, manalo man o matalo ang USA. Kung mananalo ang mga Amerikano, ito ang kanilang unang back-to-back FIBA world championship title at fifth overall sapul noong 1950.
Kung mananalo ang Serbia, ito ang unang gold medal ng dating Yugoslavian state sa global stage bilang independent nation.
“We’re not going to be scared for sure,” sabi ni Nenad Krstic, dating NBA center na lumalaro na sa Europe.
“Now our confidence is high and OK, we have a chance, maybe some players never get this chance to play against US, great US team in the final of the World Cup. It’s an unbelievable chance to do something great in our lives,” sabi naman ni Teodosic.
Ang paglalaro sa finals ay isang magandang pagtatapos sa kampanya ng Serbia sa World Cup dahil sa hirap nilang makarating dito matapos mag-seventh place sa European qualifier at tumapos lang ng 2-3 record sa group eliminations para sa fourth at final spot.
- Latest