MANILA, Philippines - Bumalik si Jiovani Jalalon mula sa pagliban sa huling laro para tulu-ngan ang Arellano Chiefs sa 75-69 panalo sa host Jose Rizal University Heavy Bombers sa 90th NCAA men’s basketball kagabi sa The Arena sa San Juan City.
Nabutata ni Jalalon ang three-pointer na binitiwan ni Dave Sanchez bago ipinasok ang dalawang free throws sa foul ng JRU player para tiyakin ang ika-10 panalo sa 14 na laro at masolo uli ang mahalagang ikala-wang puwesto.
Tinapos din ng Chiefs ang dalawang sunod na kabiguan kasabay ng pagbangon mula sa 99-98 triple overtime pagkatalo sa Heavy Bombers sa unang pagkikita.
May anim na puntos sa laro si Jalalon habang si Dioncee Holts ang namuno sa Arellano sa kanyang 22 puntos at 13 rebounds.
Gumawa ng 20 puntos si Philip Paniamogan, si Jaycee Asuncion ay may 14 at 13 ang naihatid ni Bernabe Teodoro.
Pero ang big man na si Michael Mabulac ay nagtala lamang ng apat na puntos para bumaba ang JRU sa pakikisalo sa ikatlo at apat na puwesto sa pahingang St. Benilde Blazers sa 9-5 karta.
Nanatiling buhay ang laban ng Lyceum Pirates sa 91-75 panalo sa Emilio Aguinaldo College Ge-nerals sa unang laro.
May career-high na 20 puntos si Jebb Bulawan bukod sa pitong rebounds para umakyat ang Pirates sa 6-8 baraha.
Kailangan ng tropa ni coach Bonnie Tan na wa-lisin ang nalalabing apat na laro para magkaroon ng pagkakataon na makaplayoff para sa huling sil-ya sa semifinals.
May 16 puntos pa si Dexter Zamora, si Joseph Gabayni ay naghatid ng 14 puntos at 10 rebounds habang sina Tirso Lesmoras at Jeremiah Taladua ay nagsanib sa 24 puntos para ipakita ang inspiradong paglalaro ng Pirates.
Tinalo rin sa first round ang Generals, 73-67, ang panalo ay pumutol sa apat na sunod na pagkatalo ng Pirates para masayang ang kanilang 5-4 panimula. (AT)
Ang mga iskor:
unang laro
Lyceum 91- Bulawan 20, Zamora 16, Gabayni 16, Lesmoras 14, Taladua 10, Mbida 9, Baltazar 5, Malabanan 1, Soliman 0, Elmejrab 0, Maconocido 0.
EAC 75- Tayongtong 24, Onwubere 16, Arquero 14, Jamon 11, General 7, Serrano 3, Santos 0, Mejos 0, Saludo 0.
Quarterscores: 22-19; 38-33; 65-59; 91-75.
Ikalawang laro
Arellano U 75- Holts 22, Caperal 10, Hernandez 7, Enriquez 7, Jalalon 6, Pinto 6, Ortega 5, Bangga 4, Gumaru 2, Nicholls 2, Ciriacruz 2, Agovida 2.
Jose Rizal 69- Paniamogan 20, Asuncion 14, Teodoro 13, Abdul Wahab 7, Sanchez 7, Balagtas 4, Mabulac 4, Lasquety 0, Salaveria 0, Munez 0, Grospe 0, Benavides 0.
Quarterscores: 20-16; 39-35; 56-51; 75-69.