MANILA, Philippines - Tinapos ng University of the Philippines ang dalawang taong paghahari ng Ateneo sa women’s badminton nang kanilang kumpletuhin ang pagdomina sa UAAP Season 77 edition sa pamamagitan ng 3-2 panalo kamakalawa sa Rizal Memorial badminton Hall.
Sumandal ang Lady Maroons sa panalo ni season MVP Jessie Francisco sa deciding singles nang kanyang hugutin ang 21-16-21-13 panalo kay Jana de Vera para sa kanilang 9-game sweep na tumapos ng kanilang 14-taong pagkauhaw sa titulo.
Samantala, sisimulan naman ng UP ang kanilang pagdedepensa ng titulo sa men’s and women’s division ng table tennis tournament ngayon na gagawin sa Blue Eagle Gym.