BARCELONA, Spain – May pagkakataon uli ang Lithuania na masilat ang United States matapos nilang maitakda ang kanilang muling pagkikita sa semifinals ng Basketball World Cup.
Umiskor si Renaldas Seibutia ng 11 sa kanyang 19-points sa fourth quarter nang sapawan ng Lithuania ang Turkey sa three-point line tungo sa kanilang 73-61 panalo nitong Martes.
Pinalobo naman ng US Team ang 7-point halftime lead tungo sa 119-76 pa-nanalasa sa Slovenia matapos umiskor ang anim na Amerikano ng hindi bababa sa 12 puntos sa pangu-nguna ni Klay Thompson na may 20-points.
Ang semifinal rematch ng USA at Lithua-nia sa Palau Sant Jordi ay magiging rematch ng kanilang pagkikita noong 2010 nang igupo ng koponan ni Kevin Durant ang Lithuania, 89-74 tu-ngo sa kanilang pagkopo ng world title.
“Everybody counts on that USA is the favorite, but we would have to give a fight against them for the semifinals,” sabi ni Lithuania forward Jonas Maciulis. “We have to fight and seize the chance to play the final.
Nagdagdag si back-up guard Martynas Pocius ng 13-points off the bench para sa mga reigning bronze medalists.
Nahirapan naman muna ang mga outside shooters ng USA sa kaagahan ng laro kung saan sina James Harden at Stephen Curry ay may pinagsamang 12-mintis sa first half.
Gayunpaman, hindi natapatan ng Slovenia ang lakas ng US Team sa opensa at rebounding gayundin ang kanilang depensa.
Tampok sa pananalasa ng USA ang 53-38 advantage sa rebounding kabilang ang 23-12 bentahe sa offensive rebounding.
Umiskor din ang USA ng 40-points mula sa turnovers ng Slovenia na nakakuha lang ng 10-turnover points.
Tumapos si Kenneth Faried ng Denver Nuggets ng 14-points habang si Anthony Davis ay may 13-points.