MADRID – Matapos ang pagpasok ng NLEX, Kia Pride at ng Blackwater Sports sa Philippine Basketball Association, inihayag ng bagong PBA Chairman na si Patrick Gregorio ng Talk ‘N Text na tumatanggap na ang liga ng mga bagong aplikante.
Ito ay matapos aprubahan ng PBA Board of Go-vernors ang pagdadagdag ng dalawa pang teams sa liga sa taong 2016, sa kanilang pagpupulong dito.
“Prospective applicants can apply now. We’re accepting two more additional franchises in 2016,” sabi ni Gregorio nagtungo ng Seville kasama ang iba pang mga opisyal ng PBA para suportahan ang Gilas Pilipinas sa Group B preliminaries ng FIBA World Cup.
Isa ang Hapee Toothpaste sa ilalim ng Lamoiyan Group sa mga aplikante at ipinakita ni owner Cecilio Pedro na seryoso sila sa pagpasok sa PBA matapos sumama sa grupo para manood ng mga laro ng Gilas Pilipinas.
Habang naghihintay, ang Hapee Toothpaste ang gagamit ng prangkisa ng NLEX sa PBA D-League.
Dahil sa pagpasok ng Kia at Blackwater sa PBA, maraming kumpanya ang naging interesadong sumali sa liga.